Thursday, March 09, 2006

Going Political...

.:Yeesh:.

It’s my new verbal crutch. Along with anyways, irregardless, and in any case, among others.

.:Going Political…:.

So I saw this really interesting propaganda flyer about Joseph Estrada, and I couldn’t help but post it. My annotations are in blue. ;)

KALAYAAN KAY ERAP! IBALIK SI ERAP! (Saan? Sa kulungan niya? Ang tagal na niyang wala dun kasi kung saan-saan siya napapadpad, eh.)

BAKIT KAILANGANG IBALIK SI PANGULONG ERAP SA MALACANANG?

Sa loob ng apat na taon, ginawa na ng rehimeng Arroyo ang lahat ng paraan upang itago ang katotohanan sa sambayanang Pilipino (Ang sambayanang nagsama-sama sa EDSA II para patalsikin si Erap?!?): na si Pang. Joseph Ejercito Estrada, at hindi si Ginang Gloria Macapagal-Arroyo, ang tunay na presidente ng ating republika (Until 2004, maybe.). Ito ang dahilan sa likod ng mga kasinungalingan at panlilinlang na ipinapakalat ng administrasyon .(At ng oposisyon. Pare-pareho lang sila.)

BASE SA SALIGANG BATAS:

- Tanging apat lamang ang basehan para ideklarang bakante ang tanggapan ng Pangulo: resignation, impeachment, permanent disability, at death. (Wrong. According to chanrobles.com, it’s removal from office, not impeachment. There are many different ways to remove a president from office, one of them being impeachment. And with brains as addled as Estrada’s, hindi ba “permanent disability” na yun?)

- Wala ni isa sa mga basehang ito ang ginamit ng Korte Suprema at sa halip ay nag-imbento ng basehang tinatawag na “constructive resignation”. (A.K.A. Removal from office, right? Yeesh.)

- Walang “constructive resignation” na nakalista sa Saligang Batas kaya’t ito’y iligal. (Again, see my last annotation above.)

- Sinunod ni Pang. Era pang mga alituntuning nakasaad sa Saligang Batas nang mag-file siya ng leave of absence noong ika-2- ng Enero 2001, hindi upang permanenteng magbitiw kung hindi upang maiwasan ang pagdanak ng dugo sa lansangan. (The latter part of the sentence is a lie. Nothing in EDSA II hinted at bloodshed when contrasted to EDSA III.)

- Ang pansamantalang pamumuno sa gobyerno ay nalipat kay Ginang Arroyo, na noon ay Bise Presidente. (Yes. And your point is?)

- Ang puwang upang makabalik sa puwesto ni Pang. Erap sa sandaling humupa ang sigalot sa pulitika ng lipunan ay garantisado ng Saligang Batas. (For as long as his term isn’t over yet. It’s 2006. His term ended in 2004. So quit it.)

BASE SA RULE OF LAW

- Ang impeachment trial ni Pang. Erap ay hindi natapos. (For very obvious reasons.)

- Natigil ito ng wala sa panahon bunga ng sadyang pag-walkout ng mga abogado mula sa pampubliko at pribadong sector nang mabatid nilang matatalo sila. (At matapos tayo sayawan ni Tessie Aquino-Oreta.)

- Kahit noong impeachment trial, sapilitang sinama ng mga prosecutors ang mga isyung hindi naman nakalista sa articles of impeachment, kabilang ang tungkol sa Jose Velarde account na pagmamay-ari ng negosyanteng si Jaime Dichaves. (The Jose Velarde account and other issues were relevant to the case. Dismissive talk such as this is baseless and completely goes against what everyone has seen on national television.)

- Sa kanyang paglilitis sa harap ng Sandiganbayan, napatunayan ng mga abogado ni Pang. Erap na nagsinungaling si Chavit Singson sa kanyang testimonya. (If this is true, why was Chavit not charged with perjury?)

- Kahit si dating Senate President at ngayon ay Minority Floor Leader Sen. Aquilino Pimentel, Jr. ay umamin sa harap ng Sandiganbayan na ang lahat ng mga dokumento (sic) nilalaman ng tinatawag na “second envelop” ay nagpapatunay na si Dichaves ang may-ari ng nasabing account at hindi si Pang. Erap. (And a while ago, the writer was arguing this was irrelevant. So why change tact now?)

BASE SA HALALAN NG 1998

- Si Pang. Era pang umani ng pinakamalaking mayorya sa kasaysayan ng mga halalan sa Pilipinas nang manalo siya bilang pangulo noong 1998. (Somehow, I sincerely doubt that. Not when you have people like Ramon Magsaysay and Ferdinand Marcos to contend with.)

- Ang kanyang pagkapanalo ay malinaw pa sa sikat ng araw ng maitalang mahigit tatlong milyong boto ang lamang niya sa kanyang pinakamalapit na katunggali. (Nobody disputes that he won the elections.)

- Dapat sana’y hanggang 2004 tumagal ang kanyang mandate. (Malas niya. Eh 2006 na. Wala na siyang habol.)

- Ninakawan ng 2001 pagnanakaw (sic) ng kapangyarihan ang taong bayan ng kanilang tunay na presidente. (Completely subjective opinion. Highly irrelevant.)

- Higit na marami sa ating mga mamamayan, kabilang ang masang Pilipino, ang naniniwalang iligal na presidente si Mrs. Arroyo at ninakaw niya ang poder ng pagka-pangulo sa pamamagitan ng isang pag-aaklas na suportado ng mga elitista. (Again, subjective. EDSA II was dominated by middle-class people, not elitists.)

- Higit na mahalaga, mismong si Mrs. Arroyo ang umamin na ang sabwatan para mapatalsik si Pang. Erap ay binuo noong pa mang unang araw ng kanyang panunungkulan bilang bise-presidente. (State your source, please.)

TANGING ANG PAGBABALIK NI PANGULONG ERAP SA MALACANANG ANG MULING MAGTATAGUYOD SA SALIGANG BATAS AT SA RULE OF LAW!

(Somehow, I doubt that. Kasi naman, medyo tapos na ang termino niya mula 2004 pa lang, diba? Wala namang “extension clause” na nakalagay sa Saligang Batas, diba? Pasensyahan na lang.)

No comments: