Thursday, June 25, 2009

Hypocrisy, Thine Name Ist... Lyrically Speaking Scribbles, Part XV

.:Banal Na Aso, Santong Kabayo: Lyrically Speaking Scribbles, Part XV:.

This song goes out to you. Oh, yes. You. I’ve had it up to here with you, and all the things you’ve done to the people I care about. Enough is enough, and you better hope I never see you again. Or, in the words of a not-so-great Senator, there will be mayhem.

You’ve hurt enough people, and let’s face it: you represent everything that’s wrong about the blogosphere. That’s precisely why I’m not the least bit unnerved to own up to the fact that I gave you a name, and you will forever be known for it. You know what I mean. All it takes is three letters. You wanna get your britches up in a bunch over a label, then take it out on the guy who coined the label.

It was never about your goddamned economic status. It was always about the way you carried yourself, and the way you acted. You call this bigotry? I call this basic expectations for good manners and right conduct. Pluralism is never an excuse for ill behaviour. Given the circumstances, are you surprised I’m speaking out against this? Bottomline is you have a lot of ‘splainin’ to do. I don’t.

Banal Na Aso, Santong Kabayo
By Yano

Kaharap ko sa dyip ang isang ale
Nagrorosaryo mata niya'y nakapikit...

Walang saysay ang pagiging taimtim ng isang hangal. Sige lang, talak ng talak lang, ngunit sa sandaling makita ng ibang tao ang katotohanan, kailangan pa bang magtaka kung bakit ka kinamumuhian?

Ang lakas ng loob sumatsat, ang lakas ng loob mamintang, ngunit sa kadulu-duluhan, hindi ba’t ikaw rin naman pala ang may kasalanan?


Pumara sa may kumbento
“Sa babaan lang po,” sabi ng tsuper kasi me naghuhuli ...

Ang isda, nahuhuli sa bibig. Matapos ng lahat ng iyong pandarambong, hindi ka ba nahihiya sa iyong sarili na gagapang-gapang ngayon? Isang pasasa na walang konsepto ng delicadeza. Tanggap lang ng tanggap, ngunit sa sandaling ikaw naman ang hinihingan, aba’y mas mabilis pa sa alas-kwatro kung mawala, o mas malala, magreklamo.

Ganyan na ba talaga ngayon? Talaga bang wala nang puwang para sa sibilidad o para sa pagpapaibayo ng pasensya? Talaga nga naman, ang daling makalimutan ang lahat kapag natapatan na ng presyo.Hindi ka na magbabago. Hanggang ganyan ka na lang talaga. Isang hunghang na nililinlang ang sarili na mahalaga ang kanyang sinasabi at ginagawa, ngunit sa kanyang pinakaloloob, sa isang banda ng kanyang budhi na hindi niya nais harapin, alam niyang walang kinahihinatnan ang kanyang buhay, kung kaya’t lulunurin na lang niya ang kanyang sarili sa kababawan.

Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?



Nangangaral sa kalye ang isang lalake
Hiningan ng pera ng batang pulubi...

Ang galing mo magsabi kung ano ang dapat gawin, pero hanggang salita ka lang naman. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Ang lakas ng loob mong mamuna ng kung anu-ano, pakiramdam mo, lahat na lang ng mabuti sa mundo, dapat mapunta sa iyo dahil sa mga dagok sa buhay na iyong dinanas.

Alam mo, walang utang sa iyo ang sanlibutan. Huwag mong lokohin ang sarili mo at lalong huwag mo naman huthutan ang sarili mong dugo’t laman dahil lamang pakiramdam mo na sobrang kamalasan ang nadulot niya sa iyo. Minsan, nangingilabot ako sa iyong pag-uugali talaga. Kung may masasabihan akong tao na wala siyang modo, malamang, ikaw na nga iyon.


“Pasensya na,” para daw sa templo
“Pangkain lang po,” sabi ng paslit
“Talagang di ba pupwede?”

Bago mo punahin ang puwing sa mata ng ibang tao, punahin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata.

Habang nagpapanggap kang makabuluhan at may halaga sa lipunan, lalo lamang nasasaktan ang mga tao sa paligid mo. Isa kang huwad: isang ipokritong walang karapatang manghusga sa isang bagay na wala ka naman talagang kaalam-alam.

Habang ikinakalat mo ang iyong kasinungalingan, unti-unting nauunawaan ng mga tao kung bakit maraming hindi natutuwa sa iyong mga pinaggagagawa. Hindi ba sapat ang ginawa mong pambababoy sa ibang mga tao? Pati ba naman ang mga taong akala’y iyong mga kaibigan, kailangan mo ring saktan?

Punung-puno na ang salop. Hindi na maaaring palampasin ang iyong mga ginagawa.


Lumipat ng pwesto ang lalake!

Kinamumuhian ka dahil sa iyong pangungutya, sa iyong pang-aalipusta, na akala mo kung sino kang panginoon na kailangang pagsilbihan ng lahat ng tao. Muli, walang utang sa iyo ang sanlibutan. Nawa’y tamaan ka ng kidlat sa iyong pag-iilusyon.

Anuman ang iyong ginagawa sa iyong kapatid
Ay siya ring ginagawa mo sa akin...

Mabuti sana kung ikaw lang ang napupunang masama ng ibang mga tao. Ang masaklap, dahil hindi ka nag-iisa, maski ang mga matitino, naaapektuhan sa iyong mga kabulastugan. Sinisiraan mo sila, o di kaya’y sila mismo ang lumalayo, kahit na ikaw ang dapat na paalisin, hindi sila.

Nakakahiya ka talaga. Ang tigas din talaga ng mukha mo.


Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako hi hi hi hi!
Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako hi hi hi hi!
Sa 'yo

Wala na sigurong kailangan pang sabihin. Ang taas-taas ng tingin mo sa sarili mo, subalit sa katotohanan, pinagtatawanan ka ng lahat ng tao dahil ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam kung gaano ka kaawa-awa habang nagmamalinis, nagmamalaki, at nagpapakasasa ka sa iyong kinalulugaran ngayon.

Hinayaan na kita noong sarili mo lang ang pinagmumukha mong tanga. Quese hoda bang madadamay kami, eh wala naman tayong magagawa diyan? Pero sa sandaling nanakit ka na ng ibang tao... aba, ibang usapan na iyan.

Natatawa ako talaga. Hi hi hi hi.

2 comments:

Cher said...

I hope this post reaches the right people. They know who they are anyway.

Kel Fabie said...

@Cher: One can dream, but in the end, they're so blinded by their own smugness and their consciences are so seared, I doubt they'd ever change.