.:Dahil Ngayon Ang Araw Ng Wika...:.
... At dahil ito ang Linggo ng Wika, at Buwan ng Wika, nais ko lamang managalog kahit minsan.
Medyo nakakalungkot naman isipin na para sa iba sa aking mga kababayan, ito na ang buod ng kanilang pagiging makabayan: isang araw sa isang buwan saisang taon, at magiging pagpapatuloy ng utak kolonyal lamang ang natitirang tatlong daan at animnapu't apat na araw sa loob ng isang taon.
Nawa'y magsilbing paalala ang araw na ito kung gaano kaganda at kalalim ng ating wika. Aminado ako na dahil sa kasanayan at sa dami ng aking mga mambabasang banyaga, mas madali magsulat sa Ingles para sa akin, ngunit hindi ko maipagkakaila na dahil kinagisnan ang wikang ito, mas madaling bumalik sa Filipino kapag may nais akong ipahiwatig...
At trulalu walang halong, eklavu, ka-join na rin ang Swardspeak sa Baklabularyo ng Pinoy, kaya't Afraidy Aguilar na lang ang mga shunga na wiz nila ako ma-Getchie Agbayani.
Chos.
2 comments:
you're gay! aminin mo na :p
@Prudence: I'm not, but that makes me no less fabulous. :P
Post a Comment