Thursday, May 05, 2005

.:Spending Time:.

Spent most of the day with Grace yesterday, as we got my pictures from the photo shop after my boardwork. Boarding was fun with Gia yesterday, as we had the trivia question about Ernie's “Rubber Duckie”, and people managed to guess it right, which we all found pretty amusing. WAVE has an outing on Friday, so I certainly hope that I can make it there. I have to ensure I finish this paper I'm writing first, though...

The other day, while Grace and I were talking to ma'am Cecille, and considering how ma'am Cecille was introduced to Grace only as my best friend, it was intriguing how she told the two of us that she feels “such a connection” between us. It was surreal being told that, and all Grace and I could do was look at each other.

Other than that, there hasn't been much to blog about, really...

Indeed, while the romance has ended, the friendship endures.

.:Sana Maulit Muli:.
Isang papel para kay Padre Roque Ferriols, ukol sa akda ni Soren Kierkegaard, "Repetition".

This also doubles as my LSS for the day, and is my last time to write my whole heart out this way about her. For now. I have a feeling I might end up eating my words...

Sa mga sandaling tinatalakay ng klase ang “Repetition” ni Soren Kierkegaard, nagkaroon ng isang ungos sa aking buhay na hindi ko maiwasang ihambing sa naging sitwasyon sa akda. Noong pinag-isipan ko ang panig ng binatang walang pangalang nagbibigay ng kanyang kuro-kuro kay Constantine Constantius ukol sa babaeng kanyang pinakawalan, napaisip ako ukol sa aking kalagayan.

Mga limang taon din akong nagkaroon ng isang kasintahang minahal ko at minahal ako ng lubusan. Sa mga araw na tinalakay ang “Repetition” sa klase, naninibago pa rin kaming dalawa sapagkat nagpasya kaming maghiwalay ng landas, ngunit manatiling matalik na magkaibigan. Marahil, dahil hindi naman kami nagkaroon ng matinding galit sa isa't-isa nang naghiwalay kami, masasabing mahirap talagang tapusin ang namamagitan sa amin, na kahit hanggang ngayon, hindi pa rin maiwasang isipin na may pagmamahalan pa rin.

Subalit dahil sa pagbabago ng sitwasyon, malinaw na hindi na ito katulad ng dati.

Napaisip ako nang itinanong ni Padre kung talaga bang pag-uulit ang ginawa ng binata noong sinubukan niyang balikan ang babae ngunit nagpakasal na pala ito. Sinasabi ng binata na nagkaroon siya ng pag-uulit sa kanyang “pagbalik sa sarili” sapagkat maaaring sinasabi lamang niya ito sa sarili bilang isang pagpapalubag-loob dahil alam niyang naging malaki ang kanyang kawalan. Dito ko naisip na isulat ang aking mga pagmumuni-muni ukol sa aking sitwasyong kinahaharap na may kahambingan sa sitwasyon ng binata sa pagsunod sa titik ng awit ni Gary Valenciano, “Sana Maulit Muli”.

Sana Maulit Muli
ni Gary Valenciano

Sana maulit muli, ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito, naglaho na ba ang pag-ibig mo?



Marahil, aaminin ko na minsan iniisip ko rin na sana maulit muli ang nakaraan sa amin ng dati kong iniibig. Kahit na sa sandaling ito na halos handa na akong umibig sa iba, hindi pa rin maialis sa aking sarili ang pagtingin lamang sa posibilidad na ito. Kung kaya't naitatanong ko rin kung estetiko lamang ba ang pag-uulit na ito, o etikal, o espiritwal ba? Ano ba ang nagiging motibasyon ko upang hilinging “sana maulit muli”? Dahil lamang ba sa mga maliligayang sandali na pinagdaanan namin? Dahil ba ito ang tamang gawin muli? O dahil ba tila mayroong napakaabsolutong dahilang hindi ko pa nababatid ngunit hindi ko maaring hindi pagnilayan?

Minsan, siya naman ang nagtatanong kung bakit hindi ko na siya minamahal, ngunit hindi ko maaaring sabihing hindi ko na siya minamahal. Kahit na ganoon man, alam naming dalawa na nag-iba ang porma ng pagmamahal ko sa kanya, na lumalayo na sa romantiko. Sa kanyang banda naman, marahil ganoon pa rin ang nadarama niya, ngunit hindi ko pa rin sinusubukang magkaroon ng pag-uulit sapagkat iniisip ko pa rin kung ano talaga ang nagtutulak sa akin upang naisin ang isang pag-uulit. Dagdag pa rito at labas pa sa posibilidad na umiibig na ako sa iba, nakikita ko pa rin na hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin. Kung ang binatang kaibigan ni Constantine ay nakita na ang kabuuan ng kanyang relasyon sa babae sa pamamagitan ng kanyang imahinasyon, mga iba-iba namang mga hadlang ang kinaharap naming dalawa noong kami'y magkasama. Mga hadlang ito na hindi namin maaaring lampasan hangga't hindi dumarating ang tamang panahon.

Sana maulit muli, sana'y bigyan ng pansin ang himig ko
Kahapon bukas ngayon, tanging wala ng ibang mahal



Mahirap talaga masanay na hindi na kami magkasama. Limang taon din ang aming pinagdaanan. Limang taon ng hirap at ginhawa. Limang taon ng pagmamahalan. Limang taon ng matinding pagbabago. Hindi maiwasang maghangad na sana maulit muli. Ngunit gaya ng naisip ni Constantine Constantius, hindi naman kailangang sa mismong parehong tao mangyari ang pag-uulit, at maging ano pa man ang nibel ng pag-uulit na gagawin, may posibilidad na magkaroon ng ganap na pag-uulit sa ibang sitwasyon sa ibang panahon.

Panahon. Masasabing nasa panig ko ang panahon sapagkat dalawampu't-isang taong gulang pa lamang ako. Marami pa akong taong pagdadaanan, kung nanaisin ng Maykapal. Ganoon din siya. Sa mga sandaling ito, iniisip ko rin kung nagkaroon ba ng pagbabalik sa aking sarili na nangyari. Kahit na mayroon na akong napupusuang iba, nagkakaroon pa rin ako ng pagkakataong isipin kung nasaan na ako lumulugar ngayon.

Oo, nagbago ako. Ang laki ng pinagbago ko sa loob ng limang taong pagiging magkasintahan namin. Sa kabilang dako naman, naging higit na mabuti ang buhay ko sa mga pagbabagong ito, at hinding-hindi magiging sapat kailanman ang pagpapasalamat ko sa kanya para sa mga ito. Gayunpaman, sa dulo ng aming samahan, may mga bagay na nangyaring tila bumura sa iba sa mga naging pagbabago sa buhay ko, na nais ko muling balikan. Nais kong hanapin muli ang sarili ko, tulad ng pagbabalik sa sarili ng binata nang malaman niyang ikakasal na ang kanyang iniibig dati.

Kung kaya kong umiwas na, Di na sana aasa pa
Kung kaya kong iwanan ka, Di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana...



Makapangyarihan ang mga katagang “mahal kita”. Hanggang ngayon, nagigilalas ako sa mga taong ibinabato ang mga salitang ito ng wala man lamang pagpapahalaga. Sa paghahanap ni Constantine at ng binata ng kani-kanilang uri ng pag-uulit, aaminin ko rin na hindi madali ang tumalikod sa limang taon ng ganoon na lamang. Hindi ako bato. Tao akong nakadarama ng sakit, ng lungkot, at madalas kong maramdaman iyon sa mga sandaling nagkikita kami muli upang mag-usap bilang magkaibigan. Kung kaya ko ba naman siyang kalimutan lamang ng ganoon, hindi na sana ako lalapit pa, kahit man lang bilang isang kaibigan.

Kung ako'y nagkamali minsan , di na ba mapagbibigyan?
O giliw, dinggin mo ang nais ko...



Hindi ako isang perpektong kasintahan, at hindi rin siya. Sa halip, marami kaming naging pagkukulang sa isa't-isa, ngunit tinanggap pa rin namin ang lahat ng ito. Sa kadulu-duluhan ng lahat, hindi namin maaaring sabihin ng walang pag-aalinlangan na nararapat kami sa isa't isa, ngunit natitiyak namin na kung nararapat man kami sa isa't-isa, hindi ngayon ang tamang panahon.

Nang mapasok si Job sa usapan ng “Repetition”, nakikita ang pagtalakay ng panahon dito. Binigyan ng panahon ang demonyo upang mapilitan si Job na itakwil ang Panginoon sa sobrang pahirap na nangyayari sa buhay niya. Sa halip, tinanggap niya ito lahat, at nagreklamo sa “matinong paraan”. Isa sa mga naging pag-uusap ni Job at ng Diyos ang aspeto ng panahon: na wala naman si Job noong panahong nilikha ang mundo ng Diyos, na wala naman si Job noong panahong nag-uumpisa pa lamang ang kasaysayan. Ang Diyos lamang ang maaaring sumakop at lumampas sa panahon. Bilang Kanyang nilalang, maaari lamang akong tumalima sa agos ng panahon Niya.

Kailan ang tamang panahon? Ang panahon ng Diyos ang tamang panahon.

Ito ang tanging nais ko: ang aking kahapon
Sana maulit muli



Marahil, ganito rin ang hinihingi ni Job ng tahimik nang mawala ang lahat sa kanya. At nakita naman natin na sa tamang panahon, sa panahon ng Panginoon, “naulit muli” ang lahat ng biyayang naipagkaloob kay Job, at doble-doble pa.

Sa aking palagay, hindi masasabing nag-aastang maasim na ubas lamang ang binata nang sabihin niyang nagbalik siya sa kanyang sarili, kung ganoon. Dahil sa panahon, oo, nagkaroon ng pag-uulit, ngunit sa ibang paraan. Ako man, nakikita ko rin ito. Hindi ko sasabihin na nagkakaroon ako ng pagbabalik sa sarili dahil lamang nais kong magkaroon ng pampalubag-loob at hindi na ako sa kanya at hindi na siya sa akin, ngunit sinasabi ko ito sapagkat muli kong nakikita ang mga mabubuting bagay na nakita niya sa akin noong magkasintahan pa kami. Masakit man kung minsan, totoo pa rin ito. Mahal ko siya, ngunit maaari ko na lamang siyang mahalin sa isang hindi romantikong paraan. Hindi ito ang tamang panahon upang hilingin ang isang ganap at halos literal na pag-uulit sa aming dalawa.

Oo, sana maulit muli sa angkop na paraan, ganap man o hindi, literal man o hindi. Sana maulit muli sa tamang panahon. Sana maulit muli sa Kanyang panahon.

Mahal pa rin kita,
O giliw, o giliw...

No comments: