.:Paglalakbay:.
Malinaw na para kay Kierkegaard, hindi isang sumpa ang pagkawasak ng sarili. Sa halip, isa itong hamon para sa isang tao upang marating niya ang isang nibel kung saan nagagawa niyang irelasyon ang relasyon sa sarili nito patungo sa pagbubuo ng sarili upang manalig sa Kapangyarihang bumubuo sa kanya. Sa pamamagitan nito, nabubuo ang sarilin ng tama, ngunit nagiging hamon pa rin ito dahil ang pagbubuo ng sarili ay hindi nagagawa sa isang saglit lamang, kundi mga paulit-ulit na sandali ng pag-uugnay ng relasyon sa sarili nito at sa pananalig sa Kapangyarihan. Kung gayon, isang makabuluhan at mahabang proseso ang pagbubuo ng sarili, ang pagbibigay ng lunas sa sakit na patungong kamatayan, na alam natin ang pagka-unibersal.
Napagnilayan ko ang talakayang ito sa panonood ko ng pelikulang “Equilibrium”, kung saan iminumungkahi ng kuwento ang isang bansa na ipinagbabawal ang damdamin, at sa pamamagitan nito, nanatili lamang sa mundo ng may hangganan at nesesidad ang mga mamamayan ng bansang Libria. Sa kuwentong ito, nasisira ang relasyon ng mga elemento ng sintesis sa isa't-isa sapagkat ipinagbabawal ang damdamin na siyang nagbibigay-daan sa walang-hanggan at sa posibilidad na hindi nakikita ng mga tao sa ganitong uri ng pamayanan.
Ang bida ng pelikula, si John Preston, ay isang kleriko na nagpapatupad ng mga batas ng Libria. Dahil may mga taong hindi umiinom ng gamot na “Prozium” na siyang gamot na nag-aalis ng kakayahang makaramdam, hindi man lamang namamalayan ni Preston na mayroon siyang sarili, at lalong hindi niya namamalayan na wasak ang kanyang sarili dahil sa kakulangan niya ng posibilidad at walang hanggan. Nag-umpisa siyang makabatid sa kanyang sarili nang napatay niya ang kanyang kasamahan na siya mismong hindi na umiinom ng Prozium at nakaumpisa ng makadama. Dahil ang damdamin ang nagiging puno ng mga di-pagkakaunawaan, ng pagnanasa, at ng mga kapritso, kinailangang lupigin ni Preston ang sarili niyang kasamahan upang maipagtanggol ang kanyang bansa mula sa ganitong panganib.
Matapos niyang gawin ito, nabasag niya ang kanyang rasyon ng Prozium, kung kaya't nag-umpisa siyang makadama. Sa sandaling ito, nababatid niya na mayroon siyang sarili, at nakikita niya ang kanyang pagkawasak, ngunit mababaw pa lamang ang kanyang pagkabatid dito sapagkat nakikita niya ang pagkawasak bilang mga emosyon lamang, na hindi naman mismo ang puno ng pagkawasak, ngunit ang kanyang pagkukulang sa pagrerelasyon ng relasyon sa relasyon. Sa biglaan niyang pagkakaroon ng damdamin, hindi niya maunawaan ang kanyang mga ginagawa, at nang makita niya na ito ang kanyang sarili, inayawan niya ang kanyang sarili, ngunit hindi pa rin niya makuhang uminom ng Prozium muli. Ayaw niya ang kanyang sarili sapagkat nakakadama na siya, ngunit napakarami niyang bagay na ginawa sa mga taong nakakadama rin, at ngayong pareho na sila ng kalagayan, hindi niya ito makuhang tanggapin.
Humantong sa wakes ang kanyang pag-uunawa sa pagnanais na maging sarili niya, nang naisipan niyang ipamukha sa Libria ang kanilang pagkakamali. Ganito talaga ang tao: nakadarama, nakakakita ng posibilidad at ng walang hangganan, at maaaring kumilos ayon sa kanyang damdamin at katwiran. Ngunit dahil kailangan niyang labanan ang sistemang kanyang tinulungang patatagin, nahirapan siya sa kanyang kahinaan bilang iisang taong humahamon sa sistema. Nang naunawaan niyang manalig sa Kapangyarihang bumuo sa kanya, nakita niya kung paano pag-uugnayin ang kanyang nakaraang sariling walang damdamin ngunit magaling sa pagkilos sa kanyang sariling mayroong damdamin at natututong mangamba at matakot. Sa dulo ng pelikula, napabagsak niya ang sistema ng Libria, at naipakita niya ang pagkabuo ng sarili niya sa pamamagitan ng kanyang kagitingang ipaglaban ang nakikita niyang nararapat maging likas sa sangkatauhan.
Matapos ang pelikulang ito, nakita ko ang paglalakbay ng isang tao sa larangan ng pagkawasak ng sarili. Dahil sa kahirapang magrelasyon ng relasyon sa relasyon at manalig sa Kapangyarihang bumubuo sa atin sa bawat sandali, nagiging unibersal ang pagkawasak ng sarili. Sapagkat hindi nabubuo ang sarili hangga't sa hindi naisasagawa ang naisaad, nakikita nating halos lahat ng tao sa sandaling ito ay nabubuwal ang sarili. Si Kierkegaard man ay ayaw umamin na lahat na walang pasubali at lahat ng tao ay nawawasak ang sarili, malinaw pa rin na halos lahat ng tao ay ganito. Sa paglapit natin sa paglunas sa sakit ng espiritu na ito, higit na humihirap ang ating kinahaharap. Napakalaking kabalintunaan na ang pinakakaunting paghihirap na kinadadaanan ay isang kondisyon ng pagiging bulag sa pagkawasak ng sarili. Na sa ating paglapit sa pag-uunawang tayo ay espiritu, mas nagiging mahirap ang ating sitwasyon.
Sa aking buhay, nakikita ko rin itong paglalakbay sa larangan ng pagkawasak ng sarili. Kung aakalain kong nawawasak ang aking sarili dahil lamang sa mga malulungkot na bagay na dinadaanan ko, lubha akong nagkakamali. Malinaw na ang aking pagkawasak ay nagmumula sa aking kakulangan sa nesesidad at sa may hangganan dala ng malawak kong imahinasyon at pagtingin sa mga maaaring mangyari, sa aking pagtingin sa kalungkutan bilang tanda ng pagkawasak ng sarili, at sa aking kakulangan ng pananalig sa Kapangyarihang naglagay sa akin dito.
Dahil sa mga ito, nakikita ko na kinakailangan ng pag-iibayo ng pagbubuo sa sarili. Hindi ko makuhang isiping humantong sa pagnanais na maging sarili ko na wasak upang ipamukha sa Maykapal na ang Kanyang pagkakalikha sa akin ay isang malaking pagkakamali, ngunit nakikita ko na sa kakulangan ko ng pagiging kuntento sa kahit anong kasalukuyang sitwasyon, malinaw na nagiging wasak ang aking sarili sa aking taimtim na pagnanasang maging iba sa kung sino ako talaga. Oo, dapat tinatanggap ko ang aking sarili, ngunit hindi bilang isang istatikong ninalang, kundi bilang isang dinamikong nilalang na may kakayahang magbago at maging mas higit na mabuting tao sa pamamagitan ng mga nailahad na kondisyon ng paglunas sa sakit na ito ng espiritu.
Kung gayon, isang hamon sa aking sarili ang harapin ang pagkabuwal ng sarili at hindi lamang tanggapin ito bilang aking kondisyon na wala na akong magagawa, dahil mayroon akong magagawa, mahirap at marahil mapanganib man ang magiging mga pagdadaanan ko. Sa kadulu-duluhan, hindi naman maaaring sabihing hindi mahalaga ang pagbubuo ng sarili. Sa harap ng mga kahirapang pinagdadaanan natin sa mundong ito ngayon, ang pananalig ang tanging paraan upang malabanan ang kawalan ng pag-asa sa sitwasyong kinakaharap natin ngayon.
Nabanggit ni Padre noong isang araw ang kanyang malungkot na pangitain kung saan dahil sa ating kultura ng pagbabago at kakulangan ng pagrerelasyon ng relasyon sa relasyon at pananalig, maging ang Ateneo de Manila mismo ay magiging isa lamang malaking paradahan ng sasakyan na makabago. Na sa kultura natin kung saan hindi tinitingala ang tao bilang isang espiritu kundi isa lamang bagay na humihinga, sa kultura natin ngayon na napaka-kaswal, na nawawala ang malalim at makabuluhang halaga ng mga tao, may isa akong kinatatakutan sa sandaling magkatotoo ang pangitain ni Padre…
… Na pagdating ng panahon, dahil sa ating pagtanggap na lamang sa ating pagkawasak sa halip na panindigan ang paglaban dito bilang hamon, ni wala man lamang mga taong magpaparada ng sasakyan sa paradahang ito. Na ating winasak ang munting sandigan ng karunungan sa Katipunan upang magtayo ng paradahan, at ang nakakabahalang kawalan ng mga pumaparada dito ang mismong nagbabadya sa atin ng malaking kawalan na rin ng tao sa pagtanggap na lamang nila ng pagkawasak ng kanilang sarili, sa halip na tumalima sa hamon.
Huwag naman sana ito magkatotoo.
.:POGS:.
The Philippine Online Gaming Summit last night seemed like a clustereff with little rhyme or reason. It honestly felt like a moderate success if you were a person from the gaming industry, but in my opinion as a former events person for RX, it was a severe flop in contrast to how the NBC Tent was once filled up during the FHM Victory Party. As my partner in WAVE, Gia, was hosting the show, I just headed off to the Tent with her after our boardwork, while we talked about lovelives and whatnot.
I stayed at the Summit for quite a while, as I waited for Ranulf and Jac to get there, since we were supposed to look at how it went. I told them that while the 400-600 strong crowd was pretty impressive for a gaming event, the last event in the NBC Tent thatI went to didn't even have any room to walk around.
It was funny how paranoid Ranulf was during the program, though. He was covering his face as though he'd be recognized, as though his status with UGG was going to affect the POGS any further. Clearly, POGS wasn't quite the success it was as their promotions came quite a bit too late for them to do anything good with it.
.:On The Way Back:.
While on our way back, it was pretty amusing what happened while we were talking to the cabbie. While I told Jac and Ranulf about the situation I had, the cabbie gave his opinion and agreed with me that using someone else's family to get back at you is one of the most vicious things that could be done out of you, and should be taken away from one's arsenal of inflicting pain on another if it could be helped. Words of wisdom, really.
I ended up sleeping over at Ron's place because I needed to do some recording for the UGG beta release of the game. Pretty amusing taunt, really… heh.
No comments:
Post a Comment